Presyo ng tinapay sa bansa, posibleng tumaas na naman!

Posibleng tumaas na naman ang presyo ng tinapay sa bansa dahil sa pagkaantala ng mga delivery ng raw materials.

Ito ay inihayag ni Philippine Federation of Bakers’ Association Vice-President Luisito Chavez sa gitna ng nagbabadyang food crisis na nagsisimula na umanong maramdaman sa bansa.

Ayon kay Chavez, dapat pagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang pagtatanim ng agricultural crops na magagamit ng mga magtitinapay.


Aniya, mapapababa kasi nito ang production cost at makakabawi ang mga maliiit na negosyo dulot ng COVID-19 pandemic.

Paliwanag pa ni Chavez, makakamit din nito ang food stability at hindi na aasa pa sa mga imported na raw materials.

Matatandaan, sinabi ng Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP na ang walang-tigil na price increase sa oil products, pangunahing pagkain at paghina ng piso ang dahilan kung bakit patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa bansa.

Facebook Comments