Senator Zubiri, nagpasalamat sa pagkakataong maging Senate president kasabay ang pagtiyak na mananatili ang independence ng Senado

197

Taos-puso ang pasasalamat ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri sa pagpapaubaya sa kanya ni Senator Cynthia Villar ng pagkakataon na maging Senate president.

Diin ni Zubiri ang pasya ni Villar ay nagbigay daan sa pagbuo ng supermajority sa mataas na kapulungan sa papasok na 19th Congress.

Nagpasalamat din si Zubiri sa kanyang mga kasamahan na nagtiwala at nanalig sa kanyang kakayahan na gampanan ang pagiging pangulo ng Senado.


Sabi ni Zubiri, excited na siyang matulungan ang susunod na administrasyon sa pagsusulong ng mga panukalang batas para sa ekonomiya, trabaho, maliliit na negosyo, agrikultura at kahirapan.

Tiniyak naman ni Zubiri na magiging independent ang Senado at mananatili itong Senado ng taumbayan kung saan magiging malaya rin ang bawat senador na magpahayag.

Facebook Comments