Presyo ng well-milled rice, naglalaro na sa average na ₱54.15 kada kilo ayon sa PSA

Naglalaro na sa ₱54.15 kada kilo ang average retail price ng well-milled rice sa unang bahagi ng Disyembre, 2023.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), naitala na lang sa 2.32% ang itinaas ng presyo ng bigas simula noong December 1 hanggang 5.

Ito ay kung ikukumpara sa presyo ng bigas noong November 15 hanggang 17.


Ang pinakamahal na retail price ng well-milled rice ay nasa Php 57.75 per kilo sa Zamboanga Peninsula, habang ang pinakamura ay naitala sa Ilocos Region, kung saan nasa Php 50.06 ang kada kilo.

Ayon pa sa PSA, ang regular-milled rice ay nabibili sa average na Php 48.84 per kilo sa unang bahagi ng December.

Ang pinakamahal na regular-milled rice ay naitala sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao na nag- a-average sa Php 52.66 per kilo.

Ang pinakamura ay naitala sa Western Visayas na ang presyo ay nag-a-average sa Php 43.79 per kilo.

Facebook Comments