Presyo sa produktong petrolyo, may dagdag-bawas ngayong araw

Manila, Philippines – Magpapatupad ng dagdag-bawas presyo sa produktong petrolyo ang ilang kompanya ng langis ngayong araw.

Ayon sa Petro Gazz, Shell, Total, Eastern Petroleum, PTT Philippines, Caltex, Jetti Pump at Petron, tataasan nila ng P0.10 ang kada litro ng gasolina at babawasan ng P0.10 ang kada litro ng diesel.

Ipapatupad rin ng Shell, Caltex at Petron ang P0.35 bawas sa kada litro ng kerosene.


Magiging epektibo ang mga bagong presyo simula alas-6 ng umaga maliban sa Caltex na magpapatupad alas-12 ng hatinggabi.

Facebook Comments