Pribadong helicopter, tumutulong na rin sa paghahanap sa nawawalang eroplano sa Isabela

Isang pribadong helicopter ang tumutulong na rin sa paghahanap sa nawawalang eroplano sa Isabela.

Partikular na tinutunton ng private chopper ang lugar kung saan pinaniniwalaang huling posisyon ng nawawalang piper plane sa Brgy. Casala, San Mariano, Isabela.

Ito ang kinumpirma ng Philippine Aeronautical Rescue Coordinating Center (PARCC).


Ayon sa PARCC, ang R44 Helicopter, na may tail number na RP-C 5090 ay lumipad ngayong hapon patungo ng Isabela.

Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), mismong ang may-ari ng helicopter na nag-o-operate sa Cauayan, Isabela ang nagboluntaryo na tumulong sa search and rescue operations

Tumutulong din sa paghahanap sa nawawalang piper plane, ang rescuers ng Philippine Air Force at Philippine Coast Guard (PCG).

Facebook Comments