Iminungkahi ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pagpapatupad ng price freeze para sa wholesale, trading at transportation ng pork at poultry products para matiyak na maiibsan ang pagtaas ng presyo.
Kahapon, ipinag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatupad ng price ceiling sa mga piling pork at chicken products sa Metro Manila sa loob ng 60 araw.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Agriculture and Food, sinabi ni DTI Secretary Ramon Lopez na bahagi ito ng kanilang proposal sa Department of Agriculture nang irekomenda kay Pangulong Duterte na maglabas ng kautusan na magpapatupad ng price ceiling sa manok at baboy.
Iginiit ni Lopez, na ang price freeze ay hindi dapat limitado sa retailers, pero kasama dapat ang wholesale sector.
Sang-anyon si Lopez na dapat i-apply ang Suggested Retail Price (SRP) sa lahat ng level ng supply value chain.
Batay sa kanyang pagkakaintindi, inirekomenda lamang ng DA ang price cap para sa retail prices ng manok at baboy.
Dapag ding ikonsidera ang mga adjustment na ginawa ng mga producer at trader dahil sa supply limitation.
Sa ilalim ng Executive Order No. 124 na nagpapatupad ng price ceiling, ang presyo ng pork kasim at liempo ay dapat nakapako lamang sa 270 pesos kada kilo at 300 pesos kada kilo.
Para sa manok, ang price ceiling nito ay nasa 160 pesos kada kilo.