Price cap sa mga fertilizer o abono at agad na pagbibigay ng fuel subsidy, isinusulong sa Kamara

Pinaglalagay ng Kamara ng “price cap” ang ilang programa ng pamahalaan tulad sa abono at fuel subsidy.

Sa House Resolution 2491 na inihain sa Kamara ay iminumungkahi ang pagpapatupad ng “price cap” sa fertilizer na ginagamit ng mga magsasaka ng tubo.

Layunin ng isinusulong na resolusyon na protektahan at palakasin ang sugar industry sa bansa at mahinto na ang importasyon ng asukal.


Ang Department of Agriculture (DA) at Department of Trade and Industry (DTI) ang inaatasang mangunguna sa implementasyon nito.

Tinukoy rin sa resolusyon ang kahalagahan ng fuel subsidy para sa produksyon at transportasyon ng mga tubo, lalo’t patuloy ang pagtaas ng mga produktong petrolyo.

Ipinunto rin dito na kung walang gagawin ang pamahalaan ay may negatibong epekto ang malayang pag-aangkat ng asukal tulad ng pagbaha sa pamilihan ng mga imported na asukal na hindi naman maganda ang kalidad at pagkawala ng hanapbuhay para sa marami na kabilang sa lokal na industriya.

Facebook Comments