Umaalma si Alyansa Agrikultura Chairman at dating Agriculture Undersecretary Ernesto Ordoñez na walang konsultasyong ginawa ang Department of Agriculture (DA) at pamahalaan sa pagtatakda ng price ceiling sa presyo ng baboy at manok.
Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Committee on Agriculture and Food, sinabi ni Ordoñez na hindi ginawa ng maayos at wala man lamang konsultasyon sa mga poultry at hog raisers ang ahensya bago sana ginawa ang pagtatakda ng price ceiling.
Dahil dito, ang mga profiteers ang higit na apektado ng price cap dahil hindi nakalkulado nang tama ang presyo na siyang ikalulugi ng mga mamumuhunan.
Maliban sa kawalan ng konsultasyon ay dismayado rin ang grupo sa planong babaan ang taripa ng mga importers ng karneng baboy at manok.
Giit ni Ordoñez, lalong papatayin ng importasyon ang kanilang kabuhayan at sobra-sobra na ang kanilang pakinabang kung tatapyasan pa ang buwis ng mga importers.
Sinabi naman ni Chester Warren Yeo Tan ng National Federation of Hog Farmers na silipin din ang epekto sa mga producers ng price ceiling.
Aniya, walang itinakda na floor ceiling para sa presyuhan ng baboy at karne kaya sobrang bababa ang presyo sa merkado at malulugi na ang mga producers.
Kung ganito aniya ang mangyayari ay tiyak na malabo na magkaroon ng expansion ng negosyo dahil sa halip na long-term ay band-aid solution lamang palagi ang nangyayari.