Price ceiling sa face mask, isinusulong ng DOH

Isinusulong ng Department of Health (DOH) ang pagkakaroon ng price ceiling o price control sa mga disposable face mask, nebulizers, nebulization kits, oxygen cannulas, at safety goggles.

Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, mahalagang makontrol ang presyuhan ng mga ito sa panahon ng emergency o ng mga kalamidad.

Sinabi ni Duque na hindi nila ikokompromiso ang kapakanan ng publiko at gagawin ang lahat para makontrol ang presyo ng mga ito at maging mga mahahalagang gamot.


Dahil kasi sa taas ng demand sa mga face mask lalo na ng N95 ay nagkaroon ng overpricing ang ilang negosyante.

Una rito, naglabas ng listahan ang DOH ng mga gamot na kasama sa price freeze kung saan kabilang ang analgesics, anti-allergics, anticonvulsants, antiseptics, antidotes, at antibiotics.

Facebook Comments