Price Control sa mga Pangunahing Bilihin, Mahigpit na Ipinapatupad ng DTI-Isabela!

Cauayan City, Isabela – Mahigpit na ipinapatupad ng Department of Trade and Industry o DTI-Isabela ang price control sa mga pangunahing bilihin dahil sa sitwasyon na nasa state of calamity ang lalawigan ng Isabela.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay DTI-Isabela Senior Trade & Industry Specialist Elmer Agorto, sinabi nito na nakasaad sa price act 7581 na kailangang magkaroon ng price list ang mga nagbebenta ng mga basic and prime commodities.

Aniya sa kasalukuyan ay patuloy umano ang pagtalaga ng price monitoring team sa lahat ng bayan upang masigurado na hindi lalabag sa presyo ang mga nagtitinda lalo na sa mga palengke at supermarket.


Layunin umano nito na makita na walang pagbabago sa mga presyo ng mga pangunahing bilihin sa merkado tulad ng bigas, kape, asukal, kandila, delata, noodles, tubig at iba pa.

Samantala mahigpit rin na binabantayan ng DTI-Isabela ang mga presyo ng construction materials pagkatapos ng bagyo kung saan ay wala umanong nagtaas ng presyo hanggang sa kasalukuyan.

Facebook Comments