Price freeze sa LPG at kerosene, ipinatupad sa Porac, Pampanga

Nagpatupad ng price freeze sa presyo ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) at kerosene ang Department of Energy (DOE) sa Porac, Pampanga.

Kasunod ito ng pagdedeklara ng state of calamity sa Porac dahil sa pinsalang idinulot ng magnitude 6.1 na lindol sa Central Luzon.

Labinglimang araw na ipatutupad ang price freeze epektibo kahapon.


Sa ilalim ng Republic Act of 7581 na inamyendahan ng R.A. 10623 o “Price Act” maaaring magpatupad ang price freeze sa mga basic commodities sa panahon ng kalamidad.

Facebook Comments