May-ari ng gumuhong Chuzon Supermarket, sumuko na

Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang may-ari ng gumuhong Chuzon Supermarket sa Porac, Pampanga.

Ayon kay PNP Chief Police General Oscar Albayalde, personal na sumuko sa municipal police station si Samuel Chu at ang assistant manager nitong si Kaye Toledo para masagot ang mga katanungan tungkol sa pagguho ng establisyimento.

Aniya, inaalam kung ang pagmamay-ari ba sa Chuzon Supermarket ay sa pamamagitan ng sole proprietorship o korporasyon.


Kikilalanin din aniya ang contractor at engineer nito at iimbestihahan ang safety regulation officer na responsible sa pagtiyak sa safety standards nito.

Sabi ni Albayalde, posibleng mapanagot ang lokal na pamahalaan na nagbigay ng permit at lisensiya sa Chuzon Supermarket oras na makitaan ng paglabag rito.

Gayunman, sinabi ni Albayalde na hihintayin pa nila ang ginagawang imbestigasyon ng DPWH sa gumuhong supermarket para malaman kung anong kaso ang kakaharapin ng may-ari.

Facebook Comments