Price freeze sa manok at karneng baboy, inirekomenda ng DA

Inirekomenda ng Department of Agriculture (DA) kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapataw ng price freeze sa karneng baboy at manok sa harap ng tumataas na presyo ng farm commodities sa Metro Manila.

Ayon kay Agriculture Assistant Secretary for Strategic Communications Noel Reyes, hinihintay na lamang na aprubahan ni Pangulong Duterte ang resolusyon.

Mayroon din silang kasunduan sa Department of Trade and Industry (DTI), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at mga alkalde para sa mahigpit na pagpapatupad ng price measures sa mga palengke.


Sa pork, ang price ceiling ay ₱270 kada kilo para sa kasim pigue at ₱300 kada kilo para sa liempo.

Ang price cap naman sa manok ay ₱160 para kilo.

Facebook Comments