PRICE MONITORING | 85 produkto natuklasan ng DTI na hindi sumusunod sa SRP

Manila, Philippines – Sa nagpapatuloy na price monitoring ng Department of Trade and Industry (DTI) sa mga basic necessities and prime commodities.

Natuklasan ng ahensya na 85 produkto mula sa ilang pamilihan ang lagpas ang presyo sa itinatakdang Suggested Retail Prices (SRPs).

Ayon sa DTI agad pinadalhan ng letters of inquiry ang mga nabanggit na produkto kung saan 77 dito ay agad na itinama ang presyo at sumunod sa SRP habang ang nalalabi ay mahaharap sa parusa kapag hindi pa rin sumunod sa SRP sa lalong madaling panahon.


Paliwanag ng ahensya, mas pinaigting nila ang kanilang price monitoring sa mga pangunahing bilihin base na rin sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagresulta sa 120 firms per day o 600 establishments mula sa dating 400 establishments kada linggo ang iniikutan at iniinspeksyon ng DTI.

Hindi lamang sa Metro Manila ang monitoring dahil nagsasagawa din ng regular price monitoring sa mga probinsya.

Kaugnay nito, hindi maaaring gamiting dahilan ng mga negosyante ang TRAIN Law dahil maliit o 1-7% lamang ang epekto nito sa mga basic goods.

Samantala, paalala ng DTI maaaring pagmultahin ng ahensya ang sinumang mananamantalang business establishments nang hanggang sa P1-M at ipaghaharap din ng patung-patong na mga kaso.

Facebook Comments