*Ilagan City, Isabela- *Nagsagawa na ng Price Monitoring ngayong araw ang Department of Trade and Industry o DTI Isabela kasama ang Department of Agriculture (DA) at LGU Ilagan sa pampublikong pamilihan ng Lungsod ng Ilagan.
Base sa inisyal na impormasyon ni DTI Isabela Provincial Director Winston Singun, na nitong nakalipas na buwan ng Hulyo at Agosto ay wala pa umano silang nakitang nakakaalarmang pagtaas ng presyo ng mga manufactured na produkto dahil mas mababa pa umano sa SRP ang presyo ng mga ito.
Aniya, taon-taon umano ang kanilang isinasagawang Price Monitoring sa mga pamilihan upang tiyakin na nasa tamang presyo ang ating mga pangunahing bilihin at upang suriin ang mga timbangan na ginagamit ng mga nagbebenta.
Samantala, mula umano sa 37 na LGU’s dito sa lalawigan ng Isabela ay mayroon ng 25 na Negosyo Center kung saan target umano nila ngayong taon na makapagpatayo sa mga bayan na hindi pa napatayuan ng Negosyo Center.