Manila, Philippines – Humirit na ang DTI sa mga manufacturer na magbaba na ang presyo sa kanilang produkto.
Ito ay kasunod ng pitong linggong sunod-sunod na rollback sa presyo ng produktong petrolyo.
Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez – maaaring maglaro sa P0.50 hanggang piso ang rollback sa ilang brand ng kape, gatas at mga canned meat.
Wala na ring dahilan para magmahal ang presyo ng mga Noche Buena item.
Maliban na lang aniya sa mga premium brands na panghanda tulad ng hamon at keso de bola na tumaas ang production cost.
Sa interview ng RMN Manila, sinegundahan ni Laban Konsyumer President, Atty. Vic Dimagiba ang mga panawagang ibaba agad ang mga halaga ng mga bilihin.
Hindi mararamdaman aniya ang pautay-utay o patingi-tinging tapyas presyo.
Facebook Comments