Tumaas na ng P0.25 hanggang P3 ang presyo ng ilang mga produkto sa pamilihan.
Ayon kay Philippine Amalgamated Supermarkets Association President Steven Cua, ang pagtaas sa presyo ay naitala sa ilang brand ng toyo, suka, food seasoning, palaman sa tinapay, processed meat, sitsirya, diaper at baterya.
Aniya, inaasahang tatas pa presyo ng ilan pang produkto sa pagpasok ng Disyembre lalo na at epektibo na ang P25 na dagdag sa minimum wage.
Sa kabila nito, tiniyak ni Cua na walang pagbabago sa presyo ng mga produktong pang-Noche Buena dahil marami pa ang supply sa mga pamilihan.
Magmamahal lang raw ito kapag kumaunti na ang supply habang papalapit ang Pasko.
Payo naman ng mga mamimili, ugaliing magkumpara ng presyo ng iba’t ibang brand at ng mga supermarket para makatipid.