PRICE WATCH | Presyo ng manok, nagsimula nang tumaas

Manila, Philippines – Nagsimula nang tumaas ang presyo ng manok sa ilang palengke sa Metro Manila.

Sa Balintawak Market sa Quezon City, P10 hanggang P30 ang itinaas sa kada kilo ng manok o P150 mula sa dating P120.

Ganito rin ang presyuhan ng manok sa Quinta Market sa Maynila.


Ayon sa Department of Agriculture (DA), posibleng tumaas pa ang presyo nito habang papalapit ang Pasko.

Pero hindi na raw ito gaanong malaki dahil mas mataas naman ang suplay ng manok ngayong 2018 kumpara noong mga nakaraang taon.

Samantala, bukod sa manok, tumaas na rin nang limang piso ang presyo ng kada tray ng itlog.

Facebook Comments