Manila, Philippines – Naniniwala ang grupong Federation of Philippine Industry (FPI) na hindi na dapat pang tumaas ang presyo ng mga pangunahing bilihin kahit pa papalapit na ang Pasko.
Sa ginanap na forum sa Balitaan sa Maynila sinabi ni Federation of Philippine Industry Chairman Jesus Aranza na dahil sa patuloy na pagbaba ng presyo ng mga produktong petrolyo at lumalakas na ng halaga ng piso.
Paliwanag ni Aranza wala nang dahilan para itaas pa ang mga presyo kahit pa papalapit na ang Kapaskuhan.
Dagdag pa ni Aranza na sakaling gumalaw pa rin ang presyo ng bilihin dapat nang maki-alam ang Pangulong Duterte na mapigilan ito.
Giit ni Aranza na mahalaga ang magiging papel ng Pangulong Duterte na pakiusapan ang mga negosyante na huwag nang itaas ang presyo dahil sa tumatatag nang sitwasyon ng industriya ng bansa.