PRICE WATCH | Presyo ng mga pangunahing bilihin pasok pa rin sa SRP – DTI

65

Sa pinakahuling Suggested Retail Price (SRP) bulletin ng Department of Trade and Industry (DTI) pasok pa rin sa SRP ang basic goods & prime commodities.

Sa ginawang pag-iikot ng team ng DTI sa ilang pamilihan sa Metro Manila natuklasan nilang sumusunod naman ang mga grocery stores sa itinatakda nilang SRP.

May ilan pa ngang produkto ang mas mababa pa sa SRP ang presyo dahil sa kanilang Christmas promo.

Pero ang presyo ng ilang brand ng sardinas at corned beef ay tumaas dahil sa pagtaas din ng cost of production

Naglalaro sa P0.40 hanggang P0.85 ang increase sa 155g na sardinas.

Habang nakapako na sa P35 ang presyo ng Pinoy Tasty habang ang ilang brand ng tinapay ay nagkaroon ng bahagyang pagtaas ng presyo.

Facebook Comments