Manila, Philippines – Asahan na ang dagdag singil sa presyo ng Noche Buena products ngayong weekend.
Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Undersecretary Ruth Castelo, hindi mapigilan ang taas-presyo sa mga pagkaing panghanda sa panahon ng Pasko dahil may basehan naman ito.
Nilinaw naman ni Castelo na hindi lahat ng brands ng mga naturang produkto ay magtataas ng presyo.
Kaya payo ng DTI, puwedeng subukan ng mga mamimili ang mga hindi kilalang brand na mas mura.
Makikita naman sa website ng DTI ang listahan ng mga produktong pang-Noche Buena na nagtaas, nanatili o bumaba pa ang presyo.
Sabi ni Castelo, magsisilbi itong gabay sa pagpili ng mga mamimili, depende sa kanilang budget para sa kanilang mga ipanghahanda sa Pasko at bagong taon.