Para matutukan ng husto ang presyo ng mga isda, sinabi ni Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Director Eduardo Gongona na aaraw-arawin na nila ang price monitoring sa palengke.
Ito ay matiyak na mapanatili ang Suggested Retail Price (SRP) sa isdang galunggong, tilapia at bangus hanggang matapos ang taong 2018.
Ayon kay Gongona, sapat ang suplay ng isda ngayong holiday season.
Ayon kay BFAR Director Eduardo Gongona, sa kabila na may umiiral nang SRP sa ilang klase ng isda sa ilang tindera sa palengke ang nagbebenta nito sa mataas na presyo.
Tinukoy ni Gongona ang isinagawang inspection ng BFAR sa ilang malaking palengke kahapon sa Quezon City.
Lahat ng nakitaan ng paglabag sa SRP ay binigyan muna ng warning pero sa mga susunod na pagkakataon na mahuli pa sila ay saka lamang papatawan ng kaparusahan.
Batay sa SRP na inilabas ng DA-BFAR noong Hunyo ang presyo ng kada kilo ng medium sized na bangus ay P150, tilapia P100 at galunggong P140.