PRIMARY HEALTH CARE DAY, PINASINAYAAN SA BAYAN NG MANAOAG

Pinasinayaan kahapon ika-18 ng Nobyembre ang Primary Care Day sa bayan ng Manaoag alinsunod sa pagseselebra ng Universal Health Care Law.
Inilunsad sa nasabing programa ang “Konsultasyon Arangkada” na isang kampanya sa kalusugan , kung saan ang mga residente ay mabibigyan ng libreng serbisyo sa pangkalusugan.
Ayon Kay DOH OIC Secretary Vergeire, upang mas lalo umanong maipaabot ang mga pangako ng Universal Health Care sa mga lokal na komunidad, inilunsad ang Primary Care Day para makapagbigay ng libreng serbisyo sa mga taong nahihirapang magpagamot dahil malayo ang kanilang lugar at dahil sa hirap na rin ng buhay.

Ayon pa sa kanya Inumpisahan na nila agad ang pagbibigay ng pangunang lunas upang agaran nilang magamot ang ating mga karamdaman at maiwasan ang magastos na pagpapagamot.
Mas gagawin umanong abot-kamay at abot-kaya ang primary care para sa bawat indibidwal. Dahilan kung itinurn-over ang isang sasakyan o Ang tinatawag na Primary Care Van na mag-ikot ikot sa bayan ng Manaoag hanggang sa katapusan ng Disyembre ngayong upang makapag hatid ng libreng serbisyong pangkalusugan.
Ilan lamang sa mga maaaring ma-avail na serbisyo ay ang * Medical and Dermatological Consultation * Screening services for Cervical, Breast, Colorectal and Prostate Cancer * Mental health consultation * Immunization – Covid and Routine * Laboratory Services * Dental Services * Pharmacy Services * One Stop Shop: PHILHEALTH.
Samantala, ang bayan ng Manaoag ang kauna-unahang bayan sa rehiyon sa pag-iimplementa ng programang ito. Dumalo sa nasabing paglulunsad ang mga kawani ng DOH Central Office, Regional and Provincial Office upang personal na ihatid ang programa ng ahensya para sa mga residente.
Laking pasasalamat naman ng mga residente dahil sa programang ito makakapag-avail na sila ng libreng serbisyo mula sa gobyerno lalo na sa mga residenteng malalayo sa mga pagamutan. |ifmnews 
Facebook Comments