PSA-RSSO 1 4TH ANNUAL MEDIA FORUM AND AWARDS, GINANAP

Ginanap ng Philippine Statistics Authority Regional Statistical Services Office 1ang 4th Annual Media Forum and Media Awards, and Awards Ceremony for Outstanding Local Civil Registry Offices sa Calasiao, Pangasinan.
Dinaluhan ito ng mga LCRO mula sa iba’t-ibang bayan at lungsod sa buong rehiyon Uno. Tinalakay naman ang mga usapin tungkol sa Palay and Corn Performance of Ilocos Region (1st Semester 2022), Updates on Civil Registration (CRS-ITP2) at New Approaches, Strategies, and Program Thrusts of the Philippine Identification System (PhilSys).
Layunin ng programa na magbigay update at paalala sa kalagayan ng mga isyung nabagggit, na patuloy namang tinutugunan at pinag-iigting ng mga kaugnay na ahensya.

Sa pagtugon ng ilang alalahanin sa mga inilatag na usapin ay nakapagbigay ang ahensya ng konkreto at tiyak na datos nito.
Tiniyak naman ng ahensya ng PSA na magpapatuloy ang kanilang serbisyo ng mas mabilis at mas epektibo para sa mga mamamayan sa Rehiyon Uno.
Samantala, ilan pang proyekto at programa ang nakatakdang ilunsad na naglalayong mapagaan ang transaksyon pagdating sa Identification system ng rehiyon. |ifmnews 
Facebook Comments