Prime minister ng New Zealand, nababahala rin sa lumalalang tensyon sa South China Sea

Nagpahayag din ng seryosong pagkabahala si New Zealand Christopher Luxon sa panibagong developments na nagpalala sa tensyon sa South China Sea.

Sa Joint Statement ng Pilipinas at New Zealand sa bilateral meeting sa Malacañang, isinulong ng dalawang bansa na magkaroon ng mapayapang solusyon sa mga sigalot.

Kinilala rin dito ang 2016 Arbitral Award, kasunod ng paghikayat sa lahat ng mga partido na sumunod sa 2002 Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea.


Suportado din ng New Zealand ang epektibong South China Sea Code of Conduct na binubuo ng ASEAN para itaguyon ang karapatan at interes sa karagatan.

Itinaguyod din dito ang freedom of navigation at overflight at iba pang lawful uses sa karagatan alinsunod sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Facebook Comments