Nagbitiw na sa pwesto ang Prime Minister ng Kyrgyzstan na si Kubatbek Boronov kasunod ng ilang araw na malawakang kilos-protesta matapos ang eleksyon.
Nabatid na iginigiit ng mga nagkikilos-protesta gayundin ng oposisyon na nagkaroon ng dayaan sa halalan sa pagka-Prime Minister kung saan pinalitan si Boronov ni Sadyr Japarov na unang pinalaya ng mga nagkilos-protesta makaraan itong ikulong dahil sa umano’y pagdukot sa isang regional governor pitong taon na ang nakakalipas.
Maging ang Central Election Commission ay nakatakdang ideklara na wala ng bisa ang nangyaring parliament election habang nananatili naman Presidente ng Kyrgyzstan si Sooronbai Jeenbekov pero handa rin naman siyang bumaba sa pwesto sakaling makahanap ng kapalit.
Nanawagan naman si Japarov sa mga opsiyal ng pamahalaan na makipagtulungan na lamang sa kaniya habang hinhimok niya ang mga ito na bumalik na sa kanilang trabaho at ang ibang departamento naman na walang mamumuno ay ipapaubaya niya sa kaniyang mga deputy ang pamamahalan dito.