Prince Charles, positibo sa COVID-19

1098
AP Photo

Nagpositibo sa novel coronavirus si Prince Charles, anak ni Queen Elizabeth II at susunod na hari ng Great Britain, kinumpirma mismo ng kanyang tanggapan.

Bagaman nagpakita ng mild symptoms ang Prince of Wales, nananatiling mabuti ang lagay ng kalusugan nito, ayon sa pahayag ng Clarence House.


Hindi naman matukoy kung saan nakuha ng 71-anyos ang sakit dahil sa kabi-kabilang public engagement ng prinsipe kamakailan.

Sumailalim na rin sa COVID-19 test ang kanyang asawang si Camilla, Duchess of Cornwall, ngunit nagnegatibo ang resulta.

Parehong naka-self isolate ngayon si Prince Charles at Camilla sa Balmoral, Scotland.

Samantala ayon sa Buckingham Palace, mabuti ang lagay ni Queen Elizabeth na huling nakasalamuha ng prinsipe noong Marso 12.

Facebook Comments