Cauayan City, Isabela- Tutol si Ginoong Primitivo Gorospe, principal ng Cauayan City National High School (CCNHS) sa ideya na pagtalaga ng pwersa ng militar at pulis sa mga paaralan.
Ayon sa principal, kontrolado nila ang sitwasyon ng kanilang paaralan kaya hindi pa napapanahon ang pagtalaga ng mga unipormadong puwersa sa paaralan.
Ang Cauayan City High School ay isa sa pinakamalaking eskuwelahan sa rehiyon na may humigit kumulang anim na libong estudyante at mahigit tatlong daang guro.
Sa kabila ng mga bilang na ito, tiniyak ni Gorospe na sapat ang kanilang manpower at malaking katulungan na umano nila ang iba pang stakeholders tulad ng PTCA, mga barangay police at pribadong sector.
Iginiit pa ng punong guro na mahigpit ang tulungan ng mga faculty staff at kanilang mga lider na estudyante para mapanatili ang disiplina sa loob ng kanilang paaralan.
Sa ngayon, maliban sa mga itinuturing nilang isolated cases ay wala silang naitatalang mga hindi kanais nais na pangyayari.
Hangad ni principal Gorospe gagawin nila ang lahat ng kanilang makakaya para maipag-patuloy at mamintina ang pagiging National awardee ng Cauayan City National High School.