Dupax del Norte, Nueva Vizcaya – Agad na binawian ng buhay ang dalawang katao matapos magkabanggaan ang kanikanilang motorsiklo sa Pambansang Lansangan ng Inaban, Dupax del Norte, Nueva Vizcaya.
Nakilala ang nasawing sina Jeoffrey Artienda, 49 anyos, Punong Guro ng Bulala Elementary School at residente ng Bernabe Village, Almaguer North, Bambang at Rodolfo Ancheta, 54 anyos, isang magsasaka at residente ng Riverside East, Brgy. Mabasa, Dupax del Norte.
Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay P/Maj. Ferdinand Corpuz, Hepe ng Dupax del Norte PNP, may sinusundang tricycle ang prinsipal ng biglang umagaw sa kabilang linya ang motorsiklo ni Ancheta.
Nakaiwas umano ang tricycle subalit dumiretso ito kay Artienda.
Napaglaamang galing diumano si Ancheta sa isang inuman at pagewang-gewang ang takbo ng kaniyang sasakyan ng banggain si Artienda.
Nagpaalala naman ang pulisya na huwag uminom ng alak kung magmamaneho at maglagay ng tamang distansiya sa mga sinusundang sasakyan upang makaiwas sa anumang disgrasya sa lansangan.