Naghabla ang Boston Children’s Hospital laban kay Saudi Arabian Prince Abdelilah Bin Adelaziz Bin Abdulrahman Al Faisal Al Saud.
Ito ay may kaugnay sa lumolobong utang ng prinsipe na nasa $3.5 million dahil hindi pa niya nababayaran ang medical bills ng isang dalawang-taong gulang na batang babaeng pasyente ng ospital na pinangakuang niyang sasagutin.
Bukod sa prinsipe, kasama rin sa sinampahan ng kaso si Dr. Hamdy Dawoud, ang personal physician at kinatawan ng prinsipe.
Ang pasyente ay may spinal muscular atrophy, isang pambihirang sakit na nangangailangan ng lifelong treatment.
Nasa ospital na ang pasyente mula pa noong Nobyembre 2017 at aabot lamang sa 750,000 dollars ang huling nabayaran ng prinsipe sa pagpapagamot ng bata.
Wala pang sagot ang Royal Embassy ng Saudi Arabia hinggil dito.