Mas maraming mga mag-aaral sa buong bansa ang nais gumamit ng printed modular learning material para sa susunod na pasukan.
Ito ang lumabas na resulta sa ginawang survey ng Department of Education (DepEd) na sinabay sa month-long enrollment noong nakaraang buwan kung saan ang mga sumagot ay ang mga mag-aaral na nagpa-enroll.
Batay sa datos ng DepEd, umabot ng 3,865,427 na mga estudyante na sumang-ayon sa printed modular leaning material bilang paaran ng kanilang pag-aaral.
Sumunod ang online education na mayroong mahigit 2.07 milyong mga mag-aaral ang nagsabing gusto nilang mag-aaral sa pamamagitan ng online.
Nasa mahigit 1.9 milyong mag-aaral naman ang gusto ng combination ng online education at ibang uri ng learning modalities.
Habang 744,648 na mag-aaral ang pinili ay TV at 353,270 na mag-aaral ang gustong gumamit ng radio bilang pamamaraang ng pagtuturo sa susunod na school year.
Meron naman mahigit 401,000 na mag-aaral ang nagsasabing ‘okay’ sila sa kahit anong pamaaraan ng pagtuturo.