Nagsimula na kahapon ang printing ng official ballots na gagamitin sa national and local elections sa Mayo 9.
Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, nasa 60,000 Local Absentee Voting (LAV) ballots ang kanilang uunahing i-imprenta.
Matatandaang ilang beses inurong ang printing dahil sa pagsasapinal ng magiging itsura ng balota at nagkaroon pa ng ilang technical issues.
Samantala, umaasa naman si Printing Committee Vice-Chair, Director Helen Aguila-Flores na matatapos nila ang pag-imprenta bago ang Abril 21.
Facebook Comments