5-day vaccination drive sa PITX, isasagawa ng DOTr sa susunod na linggo

73

Inanunsiyo ng Department of Transportation (DOTr) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magsasagawa sila ng limang araw na mobile vaccination drive para sa transport workers sa susunod na linggo.

Ito ay sa gitna ng pagpapatupad ng “no vaccination, no ride” policy sa kalakhang Maynila dahil sa mataas na kaso ng COVID-19.

Ayon sa DOTr, gaganapin ang vaccination drive simula sa Enero 24 hanggang 28 sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).


Target anila na makapagbakuna ng 500 indibdiwal dito kada araw upang mabigyan ng proteksiyon ang transport workers laban sa COVID-19.

Sinabi pa ng DOTr na papayagan dito ang walk in at magsisimula ang programa alas-8 ng umaga hanggang alas-2 ng tanghali sa gate 4 ng 2nd floor ng PITX.

Facebook Comments