Printing ng mga balota na gagamitin sa automated election system, sinimulan na ng COMELEC

Kinumpirma ng Commission on Elections na nagsimula na rin ang printing ng mga balota na gagamitin sa automated election system sa Mayo 9.

Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, ang mga unang inimprenta na mga balota ay gagamitin sa Bangsamoro Region partikular sa lalawigan ng Lanao del Sur.

Sa ngayon aniya ay natapos na ang printing ng mga balota para sa manual Local Absentee Voting at Overseas Voting.


Sinimulan ng COMELEC ang pag-imprenta ng nasa 60,000 balota noong Huwebes habang nasa kabuuang 67,442,714 official ballots ang gagamitin para sa May 2022 elections.

Facebook Comments