Priority bills ng Duterte admin, tatrabahuin na ng Kongreso

Manila, Philippines – Matapos na maaprubahan ng Kamara ang pambansang pondo, tututukan naman ngayon ng Kongreso ang mga priority bills ng administrasyong Duterte.

Ayon kay House speaker Alan Peter Cayetano, ang kanilang pag-apruba sa oras sa 2020 General Appropriations Bill (GAB) ay magbibigay sa kanila ng panahon para i-exercise naman ngayon ng Kamara ang kanilang oversight functions sa mga kasalukuyang programa at proyekto sa iba’t ibang ahensya gayundin ang paggugol sa 2019 budget.

May pagkakataon pa rin aniya ang Mababang Kapulungan na magpasa ng mga tax at revenue measures na magpopondo sa mga programa para sa susunod na taon.


Sinabi naman ni House Majority Leader Martin Romualdez na nagsagawa na sila ng Legislative-Executive Coordinating Council (LECC) kung saan tinalakay ang legislative agenda ng Malakanyang.

Partikular sa napagkasunduan na ipasa ay ang Salary Standardization Law (SSL) 5, ang pagtatatag ng Department of Overseas Filipino Workers (OFWs), gayundin ang  pagpapaliban ng Barangay and Sangguniang Kabataan (SK) polls at ang pagkakaloob ng free legal assistance sa mga kasapi ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Facebook Comments