Priority list, susundin sa rollout ng AstraZeneca vaccines – Nograles

Tiniyak ng pamahalaan na wala ng mangyayaring breach o panghihimasok sa listahan ng mga prayoridad na mabakunahan ng AstraZeneca COVID-19 vaccines.

Ito ang pahayag ni Cabinet Secretary Karlo Nograles matapos malamang may ilang government officials ang nagpabakuna na kahit nakalaan ang mga ito para sa healthcare workers.

Ayon kay Nograles, may itinakdang kondisyon ang World Health Organization (WHO) at ito ay pagsunod ng pamahalaan sa priority list ng mga mababakunahan ng AstraZeneca vaccines.


Sumusunod ang Inter-Agency Task Force (IATF) sa rekomendasyon ng National Immunization Technical Advisory Group (NITAG) ang panel na nagdedetermina sa kung sinu-sino ang dapat mauna sa makatanggap ng bakuna.

Ang mga breaches ay maaaring isa lamang resulta ng miscommunication.

Una nang sinabi ng Malacañang na hindi perpekto ang pamahalaan sa pagpapatupad ng priority list pero natututo naman aniya sila sa kanilang pagkakamali.

Facebook Comments