Private armed group sa Maguindanao, nalansag ng PNP

Nalansag ng iba’t ibang unit ng Philippine National Police (PNP) ang isang private armed group sa Maguindanao.

Ito ay matapos na mapasuko ang lider at mga miyembro nito kamakalawa sa Municipal Hall, Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao.

Ang sumukong lider ng armadong grupo ay kinilalang si Tamano Mamalapat habang ang kaniyang anim na tauhang sumuko ay kinilalang sina Butukan Latip Dodi, Adan Dibalaten Mamalapat, Toto Bela Bugado, Abidin Sabang Guimat, Fahad Taluyan Asi at Bhot Guimat Tipay.


Isinuko rin nila ang kanilang mga matataas na kalibre ng armas.

Facebook Comments