Mahigit 6,000 COVID-19 recoveries, naitala ngayong araw sa bansa

6,090 ang naitala ngayong araw ng Department of Health (DOH) na bagong gumaling sa COVID-19 sa bansa.

12,439 naman ang bagong kaso habang 165 ang bagong namatay sa infection.

Sa ngayon, pumalo na sa 1,700,363 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.


Ang aktibong kaso ay umakyat pa sa 87,663 habang ang total recoveries ay 1,583,161.

Ang kabuuang bilang naman ng mga binawian ng buhay ay pumalo na sa 29,539.

Facebook Comments