Inihain ni Senate President “Tito” Sotto III ang Senate Bill No. 1515 o Employer’s Liability Protection from COVID-19 Act”.
Layunin ng panukala na mabigyan ng proteksyon ang mga private employer sa anumang kaso na isasampa ng kanilang empleyado na magpopositibo sa COVID-19.
Nilinaw ni Sotto na hindi ito absolute at hindi rin proteksyon ng employer.
Diin ni Sotto, maari pa ring habulin ang employer kung bigo itong magpatupad ng batas at umiiral na safety protocols laban sa COVID-19.
Tiwala si Sotto na ang kanyang panukala ay mapapakinabangan ng small and medium enterprises (SMEs).
Ang hakbang ni Sotto ay bilang suporta rin sa polisiya ng gobyerno na hikayatin ang mga negosyante na unit-unti nang magbukas para ekonomiya.
Facebook Comments