PRIVATE | Luis Manzano, nakiusap na huwag ng tanungin pa tungkol sa kasal nila ni Jessy Mendiola

108

Manila, Philippines – Tila naiirita na ngayon ang TV host/actor na si Luis Manzano sa mga showbiz reporter sa patuloy na pagtatanong hinggil sa kasal nila ni Jessy Mendiola.

Sa post ni Luis sa kaniyang facebook page, naiintindihan daw niya at nirerespeto ang mga taong nais malaman ang ibang detalye ng kanilang kasal pero parang nakakawalang-gana na daw kung paulit-ulit ang mga ito.

Dagdag pa ni Luis na ayaw daw niyang mawala ang nararamdamang pagka-excited at pagiging masaya sa ginagawa nilang preparasyon kaya at nakiusap ito na huwag muna silang tanungin tungkol sa kanilang kasal.

Say pa ni Luis, nais niyang manatiling tahimik muna para maging espesyal at magulat ang lahat pagdating ng araw ng kanilang kasal ni Jessy.

Facebook Comments