Private school teachers at staff, ipinapasama sa ayuda ng gobyerno

218

Umaapela si Deputy Majority Leader at Bagong Henerasyon Partylist Representative Bernadette Herrera sa Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Finance (DOF) at Department of Education (DepEd) na palawigin ang tulong pinansyal sa COVID-19 para sa mga guro at teaching staff na nasa pribadong paaralan.

Giit ni Herrera, karamihan ng private schools ay maliliit lamang ang sweldo at nangangailangan din ng financial aid para sa muling pagbubukas ng klase.


Hiling ng mambabatas na isama sa COVID-19 cash aid ang mga private school teacher at mga non-teaching staff mula sa mga pribadong paaralan na karaniwan ay kindergartens at missionary schools ng mga lokal na simbahan at mosque.

Sa ganitong paraan ay maiiwasan ang paglobo ng unemployment at makakatulong ang pamahalaan na mapanatili sa kanilang mga trabaho ang mga guro mula sa private schools.

Aabot naman sa 500,000 na mga guro at staff ang kasalukuyang nagtatrabaho ngayon sa mga pribadong paaralan sa buong bansa.

Facebook Comments