Private schools, naabot ang 50% ng enrollment figures nito noong nakaraang School Year – DepEd

Nakapagtala ang Department of Education (DepEd) ng higit dalawang milyong estudyanteng nag-enroll sa pribadong eskwelahan para sa School Year 2020-2021.

Batay sa national enrollment data mula nitong September 30, umabot sa 2,163,690 enrollees sa private schools, sakop ang Kindegarten, Elementary, Junio High School, Senior High School at non-graded Learners with Disabilities (LWD).

Ang nasabing bilang ay 50.25% mula sa enrollment sa private schools noong School Year 2019-2020 na nasa 4,304,676.


Nasa 14,435 private schools ang nag-o-operate sa buong bansa, kung saan 865 private schools ang nag-abiso sa DepEd na magsususpinde muna ng operasyon ngayong taon.

Nasa 5,601 private schools ang nagsimula na ng kanilang operasyon mula nitong Hulyo at Agosto.

Gayumpaman, umaasa ang DepEd na tataas pa ang datos dahil nagkakaroon pa rin ng late reporting ng enrollment data.

Facebook Comments