Private Schools sa Cotabato City handa na sa pagbabalik Eskwela, habang Ceremonial Graduation isinagawa sa ilang paaralan

Nagsimula na ring tumanggap ng enrollment ang mga Private Schools sa Cotabato City. Itoy bilang paghahanda na sa panukalang pagbubukas ng klase sa August 24 .

Kabilang dito ang San Vicente Academy, isang Semi-Private School na nakabase sa Purok 4 sa RH 9 na may kumpletong Junior High School.

Sinasabing magiging Modular Learning ang magiging set-up ng pagtuturo ng SVA sa kanilang mga situdyante ayon na rin kay Dan Frederick Oro, School Principal sa panayam ng DXMY.


Inaasahang ang eskwelahan ang magpoprovide ng Modules habang naka homebase parin ang mga mag-aaral.

Sinasabing bukod sa pagbibigay ng kaalaman sa mga mag-aaral, prayoridad pa rin ng eskwelahan ang kaligtasan hindi lamang ng mga mag-aaral maging ng mga guro giit pa ni Principal Oro.

Masaya namang inihayag ni Principal Oro na walang Tuition Fee Increase sa kanilang paaaralan bagkus mas matutulungan pa ngayon ang mga Parents at Guardian ng mga istudyante dahil wala na ring librong babayan dahil nakapackage na sa kanilang Modules ang lahat ng mga ituturo sa mga bata.

Kaugnay nito, wait and see pa rin ang San Vicente Academy sa magiging direktiba ng Department of Education lalo ng Presidente Rody Duterte.
Samantala, kanina, inabutan ng DXMY News Team ang isinagawang Ceremonial Graduation ng ilang istudyante. Matatandaang walang Graduation Ceremony na nagyari sa buong bansa matapos biglang maghasik ng pangamba ang Covid -19.
Magkahalong lungkot at kasahayan rin ang naramdaman ng mga naggraduate na mga mag-aaral, masaya dahil graduate na, malungkot dahil hindi man lamang nakapagpaalam ng maayos sa kanilang Classmates at mga guro at hindi rin nakapag- martsa.

Facebook Comments