Nagpulong sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at mga miyembro ng private sector advisory council sa Malakanyang.
Tinalakay sa pagpupulong ay kung papaano makatutulong ang Public Private Partnership (PPP) sa pagsasa-ayos ng imprastraktura, tubig at energy services sa bansa.
Hindi ito ang unang pagkakataong nakipagpulong ang pangulo sa konseho.
May nauna nang konsultasyon sa private sector advisory council nitong mga nagdaang linggo kung saan hiningi ng pangulo ang pananaw ng konseho sa mga bagay na makatutulong para lalong mapaikot nang masigla ang ekonomiya sa pamamagitan ng mga proyekto na pakikinabangan ng lahat ng mga Pilipino.
Siniguro naman ng pangulo na anuman ang mungkahi o opinyon ng private sector advisory council ay kaniyang pag-aaralan at ikokonsidera sa pagpapatupad ng mga programa ng kaniyang administrasyon.