PNP, pinaghahandaan na ang holiday season

Kasunod ng pagpasok ng “ber months”, ikinakasa na ngayon ng Philippine National Police (PNP) ang seguridad para sa holiday season.

Ayon kay PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr., inatasan na niya ang Directorate for Operations na ire-evaluate at i-fine-tune ang kanilang operational plans and implementing guidelines para sa nalalapit na Kapaskuhan.

Sinabi ni Azurin na dahil sa ganitong mga panahong mataas ang consumer spending ay kalimitang sinasamantala ito ng mga masasamang loob.


At upang maiwasan ito, magpapatupad ang Pambansang Pulisya ng mga stratehiya para maiwasan ang alinmang krimen.

Asahan na ani Azurin na sa mga susunod na linggo ay magkakaroon ng adjustment sa kanilang deployment tulad ng pagpapa-igting ng foot and mobile patrols o pagkakaroon ng mas maraming police visibility upang magdalawang isip ng gumawa ng krimen ang mga kawatan.

Facebook Comments