Ginawaran ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 1 ang Police Regional Office Regional Headquarters bilang Drug-free Workplace.
Ang deklarasyon ay ginawa sa pamamagitan ng isang liham ng komendasyon na iginawad ng PDEA Regional Office 1 sa Police Regional Office 1 na nagpupuri sa pagtatatag at pag-institutionalize ng Drug-Free Workplace Policy alinsunod sa DDB Board Regulation No. 7, Series of 2003.
Pinangunahan ni Director III Joel B Plaza, Regional Director, Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 1, ang paggawad bilang Panauhing pandangal at Tagapagsalita kung saan sa kanyang mensahe, ipinaabot nito ang kanyang pasasalamat sa mga kapulisan ng PRO 1 at binigyang-diin nito ang kahalagahan ng pagtatatag ng isang lugar na walang droga.
Batay sa tala, may kabuuang 1,384 PNP personnel na nakatalaga sa Regional Headquarters at Regional Mobile Force Battalion 1 personnel ang sumailalim sa drug test na pawang nagbunga ng negatibong resulta sa pagkakaroon ng anumang ilegal na droga na pinangasiwaan ng Regional Forensic Unit 1. |ifmnews
Facebook Comments