*Cauayan City, Isabela*- Inaasahang magsasagawa ng scenario simulation ang Police Regional Office (PRO2) kaugnay sa kinatatakutang sakit na coronavirus o COVID-19 sa bansa.
Ito ay upang paghandaan ang mga hakbangin ng pamahalaan sakaling makaranas ng kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
Ayon kay PCol. Chevalier Iringan, tagapagsalita ng PRO2, kinakailangan aniya na higit na mabantayan ang publiko lalo na ang mga galing sa labas ng rehiyon.
Sa pamamagitan nito patuloy naman ang kanilang pagsasailalim sa bawat tao sa thermal scanning para maiwasan ang di inaasahang sakit.
Magsasagawa rin aniya ng contact tracing sa mga taong nagmula sa labas ng bansa upang matiyak ang kaligtasan ng iba pang tao.
Paalala pa ni Iringan na hindi kinakailangang magpanic ang tao sa banta ng COVID-19 bagkus ito ay palaganapin ang pakikiisa ng mamamayan at sundin ang ilang precautionary measure na ibinabahagi ng pamahalaan.