Mainit na tinanggap ng lokal na pamahalaan ng Shariff Aguak sa pamumuno ni Mayor Engr. Marop B. Ampatuan si PCSUPT Reuben Theodore C Sindac, Regional Director Philippine National Police- Autonomous Region in Muslim Mindanao (PNP-ARMM) sa kanyang courtesy call sa tanggapan ng alkalde.
Inihayag sa bisita nina Mayor Ampatuan at Vice-Mayor Datu Akmad Mitra Ampatuan ang buong suporta nila sa lahat ng programa ng Duterte administration lalo na sa kampanya nito laban sa paglaganap ng illegal drugs, kampanya laban terorismo at extremist groups.
Ipinabatid din nina Mayor at Vice-Mayor Ampatuan kay PCSUPT Sindac ang isinagawang peace and security cluster meeting (MPOC, MDRRMC, MADAC, MDC, MCPC) na dinaluhan ng AFP, PNP, IPHO, BFP Barangay officials,line agencies at stakeholders.
Ang cluster meeting ay naglalayong i-update ang lahat hinggil sa sitwasyon at pangyayari sa loob at labas ng kailang lokalidad, binigyang diin din sa pulong ang mga isyu sa terorismo at illegal drugs.
Ang pagdami umano ng mga namumuhunan sa Shariff Aguak ay patunay sa namamayaning katahimikan at kaayusan sa bayan. (photo credit:shariff aguak municipality)
PRO-ARMM Director, dumalaw sa bayan ng Shariff Aguak!
Facebook Comments