May kabuuang isang daan at tatlumpo’t walong (138) pulis ARMM ang nasampahan ng administrative case at naparusahan, pitumpo (70) dito ang na dismiss sa serbisyo noong nakaraang 2017 , habang ngayong unang anim na buwan ng 2018 abot na sa tatlumpo’t pito (37) ang nabigyan ng disiplinary sanctions at labingtatlo (13) naman dito ang na natanggal sa kanilang serbisyo ayon sa tagapagsalita ng PRO ARMM Police Senior Inspector Jemar Delos Santos.
Ipinakikita lamang nito na seryoso ang Police Reginal Office ARMM sa internal cleansing sa kanilang hanay dagdag pa sa impormasyong ipinarating sa DXMY ni SI Delos Santos.
Ipinatutupad naman ni Police Chief Superintendent Graciano Mijares Regional Director ng PRO ARMM ang “on the spot corection” at masusing pangangasiwa at pamamahala upang na matiyak na nakakasunod ang mga pulis sa mga patakaran ng PNP.
Ayon kay Mijares, dumadaan sa due process ang lahat ng reklamo sa sinumang pulis at kung mapatunayan ay hindi nya kukunsintihin ang mga pasaway na pulis.(PRO ARMM)