PRO BARMM pinangunahan ang Oplan Baklas

Pinagtatanggal, pinangbabaklas ng kapulisan ng Police Regional Office-BARMM ang campaign materials ng mga kumandidato sa katatapos na 2019 Midterm National and Local Elections sa Bangsamoro Region bilang bahagi ng kanilang “OPLAN BAKLAS”.

Sinimulan ang PRO-BARMM ang “Oplan Baklas” simula nang ipatupad ang COMELEC Resolution No.10488 o Fair Election Act.

Napag-alaman na abot na sa mahigit 38,000 campaign posters ang nabaklas ng PRO-BARMM simula pa noong campaign period.


Magpapatuloy umano ang PRO-BARMM sa pagtanggal ng campaign materials sa linggong ito bilang paghahanda na rin sa pagbubukas ng klase sa Hunyo.

Sa kanbilang banda, muli din namang hinikayat ng Commission on Elections (COMELEC) ang mga kumandidato nanalo man o natala na baklasin at tanggalin na ang kanilang campaign posters.(Daisy Mangod)

Facebook Comments